Monday, January 3, 2011

i-tagalog mo ! :D

trip lang, tagalog kung tagalog ! :)


Tumblr at pikchurs. So far naeenjoy ako sa Tumblr, daming mga pics na nakikita, nakakatuwa kasi ang creative ng mga tao, nakakainis din at the same time kasi nakakainggit sila, di ako ganun kagaling. :P Sa DSLR kasi, mas maganda ang kuha pag natural lighting, walang flash, so kelangan steady ang kamay dahil mabagal ang shutter, dahil kung hindi, blurry ang picture, which is palaging case sakin dahil pasmado ako… ang badtrip ng buhay. Haha. So unfair, parang ang pagte-take over lang ng mga jEjEmON sa MunDo! Anu daw? Haha.


Usapang what makes you busy. Madami eh. basta magkakasama ang tropa, daming usapan ! :) Mapa fb man o ano .. :))


Usapang Love-Life. Hmmmm, hindi ko alam pano ko sisimulan. May mga oras na kilig, may mga oras na malungkot. Minsan, naka-hang ka, feeling mo oo na, tapos malalaman mo hindi naman pala, ata? Nakakasakit ng ulo, sa totoo lang nakakapagod yun. Ang masama, hindi mo alam kung meron o wala, kasi sa totoo, feeling ko meron, pero ang hirap namang mag-assume ng mga bagay-bagay, tapos malalaman ko na oo, “nag-aassume lang pala talaga ako.


Pag-aaral. Tulad ng sinabi ko sa isa kong blog. Mag-aaral ako ng mabuti. Dahil sobrang nahihiya na ako sa magulang ko. Hindi ko naman ginusto na sayangin ang dalawang taon ko sa Archi .. kasalanan ko ba na hindi ko kaya ? :| Hindi ko naman kasi talaga gusto yun, pinilit lang nila ko. sinubukan ko naman gawin ang makakaya ko. Eh kaso hanggang duon na lang talaga, kaya ngayon. babawi ako. Papatunayan ko saknila na may ibubuga ako. :) Alam kong kaya ko ! Adja ANNE !!

Mga Kaibigan. Di ako mauubusan ng kwento dito. Masaya naman ang buhay kaibigan ko at makulay. Sa ngayon, dami akong mga bagong kaibigan, mahal ko na silang lahat. May mga friends din ako na walangya, and I mean that in a goodway, from elementary yun at highschool at sobrang saya ko dahil may koneksyon parin ako sakanila hanggang ngayon. May mga namimiss din naman ako, from archimates, minsan na lang kasi kame magkausap-usap, na mi miss ko na yung bonding naming bradz and peerx. :|. Nakakalungkot kasi di na gaano in-touch yung iba, lalo na pag naiisip mo yung mga masasayang araw. Totoo nga naman, people do come and go, pero sakin, cheesy man, lahat sila nag-iistay dito - ♥.



Bakasyon. KJ ang mga kaibigan ko. Gusto ko mag-gala pero lahat busy. Pero bakit ako kahit busy kayang hindi magpaka-busy ? Hehe. Ayos ah. Magbabakasyon na lang ako mag-isa. Nako, mukang lalagnatin ako sa mga susunod na araw, napre-predict ko. Hihi.


Pagtatapos. Nakakapagod pala itong pagtatagalog ng buong buo sa blog, hindi katulad ng pagsasalita sa tagalog. Pero at the same time (ang hirap naman kung sabihin ko pang kasabay nito), nakakatuwa rin naman. Nakakaexpress din ako ng mga saloobin na hindi ko maisalin sa wikang ingles, deym ! Hehe. Ako’y matutulog na. Tandaan lang, “Kahit malungkot, piliting sumaya.” :)

No comments:

Post a Comment